Babanggitin tiyak sa SONA ni Presidente Noynoy Aquino ang 6.8 % (2012) at 7.8 % (unang kuwarto ng 2013) na paglago ng ekonomya ng Pilipinas.
Mukhang sustainable kahit isama pa ang taon ng pag-upo niya noong 2010. Perma-nenteng naninirahan o OFW ka man dito sa Australia, hindi na nakakakaba para sa mga kamag-anak na iniwanan kung titingnan ang bagong estado na ito ng ating bansa. Maaaring naisip mong nagbago na talaga ang kalagayan sa Pilipinas na iyong iniwan. Kampante na ang kalooban.
Sapat na ang tinatanggap nilang ipinapadala mo. Makaa-agapay na sila sa buhay. Hindi na nanganganib ang middle class na mga kamag-anak mong makaladkad sa estado ng informal settler o iskuwater sa kung saang lungsod. Suspen-dido ang pagtitiis nila sa makikipot na eskinitang dadaanan sakaling pag-uwi sana sa mga tahanang pinag-tagpi-tagping mga plywood, karton, karatula, tarpaulin, yero. Mananatili silang naka-tira sa makataong kapaligiran ng maliit na subdibisyon. Ang itsura nito ay kabaligtaran ng itsura ng mga kolonya ng iskuwater.
Hindi pa “jumper” o iligal na koneksiyon ng kuryente ang nagpapagana sa mga telebisyon at electric fan nila. Lehitimo pa rin ang linya ng tubig na pangsabaw sa sinaing, panlaba, panligo at panghilamos sa umagang hatid ng pag-unlad ng ekonomya sa loob ng unang tatlong taon ni _PNoy. Pero sa kabila ng magandang balitang ito, ang Malacañang, mga pandaigdigan at rehiyunal na institusyon sa pananalapi, mga ahensiya mismo ng gobyerno, ilang grupo ng mga Filipinong negosyante ay umamin na marami pang dapat gawin para totoong maging kapakipaki-nabang din pati sa mahihirap ang natamong pag-unlad ng pambansang ekonomya.
Pero bago pa umamin ang Malacañang, ang mga mili-tanteng hanay ng mamamayan ay matagal nang nagpapahayag ng mga puna sa pabor sa mga dayuhang patakaran ng mga programang pang-ekonomya ng bawat administrasyong lumuklok sa Malacañang.
Mula export-import na oryentasyon, pribadisasyon-deregulasyon-liberalisasyon na paraan ng mga nakaraang administrasyon ay tinukoy nila ang Public Private Partnership ni PNoy na tuluyang pagpa-paubaya sa likas at pantaong yaman ng bansa sa mga oligarkang dayuhan.
Ang ganitong diskurso ay umabot sa puntong sa mga militante mismo isinisisi ng mga opisyal ang pagkaatrasado ng ekonomya ng bansa.
Bagamat bahagi ng totoong state of the nation ang paglago ng GDP at monopolyo ng Filipinong oligarka sa pag-unlad na ito, bahagi rin at kabuuan ng katotohanan ng state of the nation ang mga estudyanteng inilipat ng kani-lang mga magulang sa publiko mula sa pribadong esku-welahan bilang paraan ng pagtitipid pagbukas ng klase nitong Hunyo.
Ganoon din ang maraming gurong lumipat sa publiko dahil walang mga benipisyo sa dating pinagtatrabahuhan nilang pribadong eskuwe-lahan. Ang mga dating paisa-isa na mga taong grasa ay pamipamilya na ngayong kakalat-kalat sa mga kalye ng mga sentrong lungsod.
Samantala, ang mga sasak-yang panluho o luxury car ay nagtatayugan ang mga bilding ng parking area sa bawat katabing gusaling upisina ng mga pangasiwaan ng mga negosyo.
Mahigit isang henerasyon na ang nakalipas kung titingnan ang 1986 EDSA people power bilang palatandaan ng pagba-bago sa Plipinas.
Pero ang pag-unlad, na ipinagmamalaki ng tatlong taon na PNoy adminis-trasyon, ay kapareho rin ng mga pag-unlad na ipinanga-landakan ng mga naunang administrasyon.
Nanatiling monopolyo ng mga panginoong maylupa ang malalawak na lupain. Ang paglala pa ay sa mga dayuhan ito ibinibenta kaysa ireporma para sa pakinabangan ng mga magsasakang siglo-siglong inalipin at pinagkaitan ng sakahan.
Nawalan na ng mga benipisyo at palima-limang buwan na lang ang mga trabaho. Bihira na ang trabahong nagiging regular ang mga empleyado.
Iniasa na lamang sa mga padala ng mga OFW, na galing sa mahihirap at middle class na pamilya, ang pambansang ekonomya.
Walang ibinubunsod na tunay na industriyalisasyong magbibigay sana ng hanap-buhay sa labor force na nagpasyang manatili sa bansa.
Sapagkat ganyan ang pag-unlad na lumaganap pagka-tapos ng EDSA 1986, impo-sibleng nagmamaang-maangan lang ang mga tradisyonal na pulitiko sa kinahinatnan ng bansa. Sila ang mga nagpa-nukala, nagsabatas at nag-patupad ng mga patakarang nagsuga sa mga magsasaka, manggagawa, karaniwang empelyado sa tuyot na pastulan sa loob ng Pilipinas.
Samantala, ang pagkapariwara ng mga OFw sa ibang bansa ay responsabilidad din ng programa ng gobyerno sa pagluluwas ng pantaong yaman. Maituturing bang nalalapit sa pagliwanag ng isip ng mga upisyal sa Malacañang at kausap nilang mga dayuhan ang pag-amin nilang marami pang dapat gawin para maging kapakipakinabang sa nakara-raming mahihirap ang pag-unlad ng ekonomya?
Hindi ang sila-silang mga oligarka at mayayaman lang ang nagtatamasa sana. Ito nga ba ang resulta ng paboritong sabihin ng mga trapo na “sa loob nagsisimula ang pagba-bago”?
Sana ay maiulat ni PNoy ang buong larawan ng state of the nation ng Pilipinas. Nang sa gayon, magkaroon ng tunay na kapit-bisig ng mga Pilipino para tuparin ang tunay na pag-unlad ng bansa.
Para sa reaksiyon, mag-email sa avetzki@yahoo.com
**Ang Lupalop ay pagla-lakbay, pangingibang-dagat.
Leave a Reply