Charlie Dizon sa “My Sunset Girl” ng iWantTFC

Charlie Dizon sa “My Sunset Girl” ng iWantTFC

Matupad pa kaya ni Ciara (Charlie Dizon) ang lahat ng pangarap sa bucket list niya kasama si Lucas (Jameson Blake) sa “My Sunset Girl”?

Malalaman na ni Ciara ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya na maaaring magbago sa relasyon nila ni Lucas sa pagtatapos ng iWantTFC original series ngayong Miyerkules (Agosto 18), 8 PM (Manila time).

Durog na durog ang puso ni Ciara pagkatapos niyang malamang niloko lamang siya ni Lucas, at na pinlano nito mula umpisa ang pagpapaibig sa kanya kasama si Elias (JM Bascon), ang dating kasintahan ng ina ni Ciara na si Melissa (Mylene Dizon). Gusto kasi ni Elias na lokohin, maghiganti, at perahan si Ciara bilang kabayaran sa pagpapahirap sa kanya ni Melissa sa kulungan.

Kaya naman kahit nauwi sa totohanan ang pagtingin ni Lucas kay Ciara, maghahanda na si Ciara na kalimutan ang pinagsamahan nila.

Susubukan naman ni Elias na mahulog sa patibong niya si Ciara at pagtangkaan ang buhay nito. Habang puno ng galit at paghihiganti ang puso ni Elias, wala siyang kamalay-malay sa katotohanang maaaring magbago sa kanyang buhay – na si Ciara ay anak niya.

Malaman kaya ni Elias ang katotohanan bago pa maging huli ang lahat? Mapatawad kaya ni Ciara si Lucas, at magkaroon pa kaya ng happy ending ang masalimuot na love story nila?

Panoorin ang huling episode ng “My Sunset Girl” ngayong Miyerkules (Agosto 18), 8 PM (Manila time) sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Available ang lahat ng episodes nito sa premium subscribers sa labas ng Pilipinas.

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available only in Australia), at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.

Share this post

Post Comment