Save 20% off! Join our newsletter and get 20% off right away!

Paggunita ng Araw Ng Mga Ama

Hindi nakakalimutan ng mga senyor ang paggunita sa Araw Mga Ama o Father’s Day dito sa Australya tuwing buwan ng Setyembre,

Sydney Australian Filipino Seniors Inc.
Seniors

Magandang gunitain ang mga nakaraang selebrasyong ito sa mga Samahan ng mga senyor tuwing sasapit ang buwang ito noong bago nauso ang lockdown dahil sa pandemyang COVID-19. Sadyang maganda at magaan ang pakiramdam naming mga ama sa mga pasinayang nagbibigay dangal sa kahalagahan mg ama sa pamilya at sa kumunidad.

Mahalaga   sa buhay naming mga ama na maala-ala ng aming mgag supling at mga apo at maging ng kumunidad kung paano nila binigyan ang kanilang mga anak ang mahusay at magandang kinabukasan.

Masasabing kung anuman ang kaginhawahan tinatamasa  sa buhay sa ngayon ay nagsimula sa pagsisikap noong kalakasan pa ng mga mgulan.

 Kaya gustong ipaalam mga senyor sa maga sa mga kabataan sa ngayon at lalong-lalo na sa kanilang mga apo dito sa Australia, ang mga mahahalagang tungkulin ng isang  ama. Nais ibahagi ng mga senyor ang kanilang malawak na kaalaman sa buhay sa kanilang buhay.

Alam ng mga senyor na sa darating na panahon na sila ang kanilang mga anak ang haharap sa hamon  ng buhay na dinanas at pinagtsgumpayan ng mga senyor. Sana tumimok sa puso ng mga may gulang nga maga anak ng mga senyor dito sa Australya ang kahalagahan ng mga bagay na ito. Mah;aga ang mga tunkulin ng ama at ina sa buhay.

 Kung ang ama at ang ina ay pundasyon gaya ng isang matibay na bahay, sila ang dahilan kayat ang sinisilangan ay di nawawasak o nagigiba ng bagyo o anumang pagsubuk sa buhay.

Dapat pasalamatan ang Diyos ang mga matatag na ama sa pagtutulunagn ng ina na nagsisilbing ilaw ang ating tahanan.

Ang isang ama ay kailangang may matatag, malakas ang loob, matibay, mahusay humarap sa mga pagsubok sa kanilang buhay. Ganito din na nanatiling matatag ang kalooban kung ang kanyang pamilya ang pinag-uusapan.

 Kaya mga anak ngayon natin ipakita at ipadama sa ating mga magulang ang ating pagmamahal kung paano natin mabigyan sila ang kanilang kaligayahan sa araw na ito, hindi pa huli mga anak na buhay pa ang kanilang mga magulang.

Mga anak, tandaan nating muli ang  kasabihang  ” Aanhin mo pa ang damo kung patay na ang Kabayo.”