Save 20% off! Join our newsletter and get 20% off right away!

Pagbabalik ng paghihigpit sa pagtitipon ng mga senyor

SINULAT N I NARDS PURISIMA

Parang kahapon lamang, uli.

Ito ay patungkol sa masasayang araw noong nakaraang buwan nang pinayagan muli ang mga senyor na magpulong o magsalo-salo sa bawat samahan.

At ma-alaala nga ang mga kanya-kanyang pagdiriwang, gaya ng Ang Araw ng Mga Ina., Santacrusan at iba pa. At ang sumunod na buwan ng Hunyo, na itinuring  nila isa sa pinakamalaking  pagdiriwang sa mga  samahang Pilipino dito sa Australya ay Ang Araw ng Kalayaan Ng Pilipinas o Independence Day. 

Mayroon pang isang malaking  selebrasyon   na naganap. Ito ay ang Philippine Australian Friendship Day. Kaya nakikita natin lahat sa mga larawan  ang kanilang kasiglahan at kasiyahan ng mga senyor  sa naganap na pagdiriwang mga nakaraan buwan.

Bago pa man, marami sa mga senyor ang tumanggap ng mga paanyaya o imbitasyon ba dumating sa mga kasayahan . Ito ay nag-aanyanag umambag o magbigay sila ng isang  bilang sa pagtatanghal sa entablado. At bihira na ang tumatanggi sa ganitong pagkakataon na magtanghal ng pagkanta o sayaw at kung ano pa sa ikasasaya at ikabubuti ng ating komunidad. 

 At iba naman ang nangyari sa buwan ng Hulyo. Kasunod ng mga masasayang pagdiriwang at paglabaslabas ay muling pinagbawal kasama na ang di-kailangang pagtitipon sa kumunidad. Lalung lalo na sa mga senyor at sa samahan ng mga senyor. Ito ay para sa kanilang kaligtasan at kalusugan ng bawat senyor.

 Takot at pangamba ng bumabalot sa isipan ng  kaamihan. Nakakalungkot ang mga balita na naririnig ng mga senyor , ipinagbabawal na silang  lumabas ng kanilang bahay dahil sa  pagbalik ng mas mabagsik pang virus.

Pasalamat tayo sa Diyos at sa ating kabagutan, makababalik tayo sa mga gawaing nakagaanan na natin noon unang lockdown. Wala tayong magawa kundi sumunod sa utos pangkalahatan laban sa virus.

At sa maaring gawain ay ang tuloy tuloy na naman ang kanilang gawain sa  loob at labas ng kanilang mga bahay. Sa pag-aayos at paglilinis sa buong paligid lalong-lalo na sa kanilang mga garden o halamanan.

Magdasal tayo sa ating Panginoon na sana mawala na ang pandemic na ito.