NI NARDS PURISIMA
Ang pagsapit ng Bagong Taon o New Year ay nagpapaalala sa atin ng kasabihang “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paruruunan.”
Una, tungkol sa relasyon ng mga Senyor na magulang at ng kanilang mga propesyonal o nakabukod na mga anak. Pangalawa ay tungkol sa liderato sa samahan ng mga senyor.
Matinding halimbawa itong tungkol sa buhay ng mga anak at ng kanilang magulang sa isang mag-anak.
Pagdating sa kanilang sariling buhay o pamilya, hindi lahat ng senyor ay masasaya. Ang masasayang mga senyor ay iyong palaging naaala-ala ng kanilang mga anak, o iyong mga magulang na laging kinukumusta o kaya ay tinatawagan sa kanilang telepono. O di kayay kasama sa pamamasyal at pagsalo-salo at kumakain sa labas ng tahanan.
May mga senyor na malungkot ang buhay dahil ang kanilang mga anak ay masyadong abalang-abala sila sa kanilang mga gawain at nakakalimutan na ang kanilang mga magulang. Nakakalimutan na kumustahin at alamin ang kalagayan ng mga matatanda nang mga magulang.
Habang bawat taon ay nalalagas sa kasaysayan, dumarami ang mga nararamdaman ng mga senyor. Mga sakit sa katawan at kalungkutan sa kanilang kaisipan.
Sana kahit na gaano kaabala sa kanilang mga ginagawa, ang mga anak na may kunting pagtingin pa sa kanilang mga magulang ay dapat alalahanin ang mga bagay-bagay na ito. Gaya ng mga mahahalagang araw sa kanilang buhay – mga anibersaryo o kaya ay mga pag-gunita ng mahalagang petsa sa isang taon.
Alalahanin na ang kanilang mga magulang ay mayroong na lamang ilang panahong natitira pa sa lanilang buhay.
Halimbawa ang Bagong Taon at tanda ng mahalagang pagdaan ng mga panahon sa buhay ng mag-anak. Sa ganitong mga pagkakataon, sana ipakita o ipadama ng mga supling ang kanilang pagtingin sa kanilang mga magulang. Gunitain at alalahanin ang kanilang paghihirap at pagsuporta sa mga anak nuong mga nagdaang araw upang mailagay ang mga anak sa magandang kinabukasan.
Ngayong 2020, ipakita sana nila at ipadama sa kanila ang tunay na pagmamahal.
Pag-isipan mabuti kung paano ipapakita ng mga anak na mapapaligaya ang kanilang mga magulang habang sila ay buhay pa.
Huwag na huwag nilang hintayin ang pag-gunita ng alinmang anibersaryo kumg sila ay wala na sa mundong ito.
Pahalagahan nila at unawain halimbawa ang kaligayahan ng mga senyor sa kanilang mga samahan kasama ang and kanilang kapwa senyor.
Marahil masaya ang mga senyor sa kanilang mga samahan. Sabi ng iba sa mga samahan kung mayroon tayong ugali o kaya gawain na hindi maganda sa ating kapwa sana ay baguhin natin itong taon na ito lalong-lalo na sa ating samahan.
Siya nga pala. Pag dumarating ang Bagong Taon or New Year marami sa maga namumuno ng samahan ang sumusumpa sa kanilang harapan ng samahan at sinasabi na gagampanan ang lahat ng tungkulin at gagawin sa abot ng kanilang makakaya para sa ikabubuti at ikagaganda ng samahan.
Marahil maraming mangyayari paglipas ng panahon – ng linggo o buwan. Gaya ng pangangailangang magpapaalam upang pumunta sa ibang bansa o kaya sa Pilipinas,
Hindi nila dapat kalimutan ang kanilang mga pangako na gagampanan ang kanilang mga tungkulin.
Kung gusto mong tulungan ang iyong samahan, sana ipakita mo hindi lang sa salita. Bagkus ipakita sa sa gawain, upang paniwalaan ka sa mga darating pang panahon.
Alalahanin natin ito. Baguhin na natin kung anumang pagkukulang ang nagawa natin noong nakaraang taon.
Gaya ng mga sakripisyo at pagsasaalang alang ng mga senyor na magulang sa kanilang mga anak na noon ay mga paslit pa lang, ngunit ngayon ay malusog, malakas, marunong at matagumpay sa kasalukuyan.
Leave a Reply