Save 20% off! Join our newsletter and get 20% off right away!
Sydney seniors

Mga paraan upang lumigaya

paraan2

United Nations Day
United Nations Day

SINULAT NI NARDS PURISIMA – Ang buhay ay mahirap, lalo na kung minamalas. Ang kahirapan Ito ay hindi maiwasan, ngunit may mga paraan upang maging magaan ang takbo ng buhay. Aking napag-alaman na ang sangkap daw ng kaligayahan sa buhay ay ang pagkakaroon ng may  ginagawa, na may minamahal at naniniwala na may pag-asa sa buhay.

Ngunit ang buhay ay tutuong mahirap, lalo na sa panahon ngayon, kaya may naisip akong ibahagi ang mga bagay ito para sa kasamahan kung mga senyor at makapagbigay ng sigla sa kanilang buhay.

  1. Panatiliin ang inyong pakipag ugnayan sa mga mahal sa buhay. Ang mga maligayang tao sa mundo ay malapit sa pamilya, kamag-anak at mga kaibigan.
  2. Pahalagaanang inyong sarili tulad ng pagpapahalaga mo sa mga taong mahal mo.
  3. Alagaan ang inyong kalusugan, mas madaling magkaroon ng kaligayahan kung kayo ay malusog at nasisiyahan sa buhay
  4. Huwag ipagwalang bahala ang anuman at magpasalamat sa Diyos lahat ang iyong nakamtan biyaya sa iyong buhay
  5. Ayosin ang inyong katayuan pinansyal. Walang sinuman nais na mabuhay ng maraming utang at matakot sa karma.
  6. Huwag lumamang sa inyong kapwa, kung ikaw pagkatiwalaan ng inyong mga kaibigan o ng inyong samahan, kailangan gumawa ka para sa lahat hindi sa pang sarili lamang.
  7. Huwag magpakaseryoso sa buhay baka masira ang inyong ulo.
  8. Maging aktibo sa pamumuhay. Hindi kailangan na magkaroon ng malaking massel, ang magiging aktibo ay tanda ng mahusay na kalusugan.
  9. Upang manatili kang maligaya huwag kang makulit makipag-usap sa iyong mga kaibigan o magkuento paulit-ulit sa iyong nakaraan.
  10. Huwag kang magpanggap na alam mo lahat ng bagay, lalo na kung ikaw ang napiling pangulo ang iyong samahan, antayin mo ang ibang tao humusga sayo. Kung magaling ipakita mo sa gawa, hindi lang puro salita.

Ang masasaya    at masigla mga senyor ay yong matulungin sa kapwa. Kaya ang kasiyahan ay tanda ng kalusugan.

Sa ibang dako naman ang mga naganap na kasiyahan dito sa mga samahan ng mga senyor ay ang kanilang pagdiriwang ng United Nation Day Celebration, kamakailan lamang. Kaya nakikita nating sa kanilang mga larawan ang kanilang kasiglaan at  kasiyahan ng bawat samahan. Una ang samahang PASSOC sa Merrylands pangulo Ding Vergara sumunod ay ang AGAPI ng Rooty Hill pangulo Dorothy Del Villar at SAFSI Marayong Pangulo Teresita Hermoso at nagtapos  ang masayang pagdiriwang   ang paghihiwa ng keyk ng lahat  na  may birthday sa araw na yon.