Hinihintay ng mga senyor ang buwan ng Disyembre. Isa sa mga kadalahanan ay ang pagkakaroon ng mahabang bakasyon ng mga kasama sa baha na mga anak sa kanilang trabaho at ang mga apo sa kanilang pag-aaral.
Samakatuwid mahaba ang panahon na makakapiling nila ang kanilang mga mahal sa buhay., lalo na ang mga apo. Kaya hindi nakapagtataka kong makikita nating na sila ay masasaya dahil hindi lamang ang kanilang pamilya ang nakakasama nila sa panahong ito ng tag-araw dito sa Australya, kundi ang kanilang mga kaibigan, lalo na ang mga nakatira sa ibang estado ng Australya. Puwang at panahon na makakapasyal upang makita naman ang mga ibang kapaligirang na kaakit-akit dito sa NSW.
Sa ibang mga senyor naman, ang buwan ng Disyembre ay araw ng kanilang pahinga sa mga ika nga ay pag-aapocena o nag-aalaga ng mga apo. Kahit na ba kadalasan ay duty free o walang bayad. Ito rin ang panahon na nakakasama nila ang kanilang mga kaibigan senyor lalong lalo na sa mga pamamasyal sa mga ibat-ibang magagandang lugar . At ang iba naman samasama rin ang buong pamilya at magkakamag-anak na namamasyal at kumakain sa ibang magagandang lugar ng Australya.
Ang ibang mga senyor ay naghahanda sa pag-uwi sa Pilipinas upang makasama ang mga kamag-anak na matagal na nilang hindi nakikita. Kaya bago sila umuwi kahit na kaunti lang ang kanilang pensyon nakakaipon pa rin sila upang makapamili ng mai-uuwiing pasalubong . Alalahanin na ang mga mahal sa buhay, lalo na ang pasalubong na kesong gawa sa Australya sa panahong ng kapaskuhan.
At yong iba naman na matagal nang hindi umuuwi sa Pilipinas ang ginagawa na lang nila ang pakikialam sa mga nangyayari o kaya pag-aabang sa mga balita sa Pilipinas sa tuwing magpupulong ang samahan.
Maganda ang idinudulot bg pakikipag-ugnayan o maging sa pagbabasa ng dyaryong Pilipino na pinamimigay gaya ng Bayanihan News. .At ganon din nakikita rin natin ang kanilang kasiyahan at kasiglahan ng bawat samahan sa kanilang pagdiriwang o paggunita ng Melbourne Cup,
Ganito ang buhay ng mga Pilipinong senyor dito sa Australya. masasaya, matulungin, mapagmahal at mapagbigay sa kapwa. Ika nga taglay nila ang apat na M. Kahit na kukunti ang natitira sa kanilang pensyon, basta makatulong sila sa kapwa ay gagawin nila lalong-lalo na sa mga anak, apo, kamag-anak at kaibigan.
Maligayang Pasko sa lahat na nagbabasa ng Bayanihan News at maraming salamat sa inyong patuloy na pagtangkilik sa ating dyaryong Pilipino.
Leave a Reply