Save 20% off! Join our newsletter and get 20% off right away!

Araw ng Mga Ama

Dumating na naman ang Araw ng mga Ama o Fathers Day. Tuwing sumasapit ang buwan ng Setyembre hindi natin nakakalimutan gunitain ang Araw ng mga Ama o Fathers Day.

Ang Araw ng mga Ama ay kailangan nating ipagdiwang dahil ang araw na ito ay mahalaga sa ating buhay. Ito ay nagpaala-ala sa ating lahat tungkol sa kahalagahan ng isang ama sa ating  pamilya katulad rin ng ating Ina.

Ang ating ama at ina ay marami ginampanang mahahalagang tung-kulin sa ating buhay. Sila ang nagpakahirap upang tayo ay mabigyan lamang ng magandang kinabukasan sa buhay.

Sa ngayon, lahat na kaginhawaan na tinatamasa natin sa ating buhay ay bunga ng kanilang pagsisikap noong kalakasang pa sila at hanggang sa ngayon ang ibang mga senyor ay patuloy pa rin na sumusuporta sa mga ibang anak. Katulad ng pag-aalaga sa kanilang mga apo, lalong-lalo na sa mga magulang na nakatira sa bahay ng kanilang mga anak.

Kaya kapag nagsama-sama ang mga senyor sa isang lugar o dumating ang araw ng kanilang pagpupulong sa kanilang samahan gaya ang nakikita natin sa larawan masasaya silang lahat na nag-uusap tungkol sa kanilang buhay dito sa Australya at sa Pilipinas.

Ang buhay nila sa Pilipinas ay maginhawa kung ihahambing dito sa Australya. Doon, sila ang nag-uutos at sila rin ang nasusunod kapag mayroon silang sinasabi sa mga anak. Ngayon dito sa Australya ang ibang senyor ay iba na ang takbo ng buhay. Sila na ngayon ang sumusunod sa utos ng mga anak.

Kaya kahit mayroon silang lakad na magkakaibigan, kapag sinabi ng anak na mag-aalaga muna sila ng mga apo, hindi sila makakatanggi tulad ng nakikita natin sa mga tahanan ng mga senyor na Pilipino.

Kaya sinabi na lang sa kanilang kaibigan na mayron silang (Apocinang Duty Free) ang ibig nilang sabihin mag-aalaga ng mga apo na walang bayad.

Ganyan ang buhay ng ibang senyor dito sa Australya at naiintindihan nila ang kalagayan ng kanilang mga anak, dahil mahalaga sa kanila ang kanilang pamilya.

Kaya mga senyor ay palagi silang naka suporta sa kanilang mga anak. Pero, ang ibang mga anakm hindi nila napapasin o nakikita ang mahaha-lagang bagay na ginagawa para sa kanila ng kanilang mga magulang.

Kaya ang mga senyor mayroon isang kanta para sa mga ibang anak na malimit nilang kantahin lalo na kung nakakaranas sila ng hindi mabuti sa kanilang mga anak. At ito ang kanilang kanta (Kahit  Kaunting Pagtingin na Nanggagaling sa Inyo) na nagbibigay sa kanila ng ligaya.

Kaya ngayon Araw ng mga Ama o magulang ay nag-hihintay sa inyo upang batiin sila ng HAPPY FATHERS DAY. At para sa mga anak na mapagmahal at maalalahanin sa magulang mabuhay kayong lahat